Dapat magpatingin sa Psychiatrist si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, ay dahil tila may psychological problem si Faeldon matapos ang inasal nito sa hearing kaugnay sa 6.4 Billion Peso shabu shipment case.
Mistula anyang walang alam o ignorante hinggil sa umano’y katiwalian sa Bureau of Customs at may sariling mundo si Faeldon.
Iginiit din ni Gordon na hindi angkop ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Faeldon bilang Assistant Secretary ng Office of Civil Defense.