“Unanimous” ang desisyon ng mga Senador na panatilihin ang pag-contempt kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at ilipat sa Pasay City Jail Sa kabila ng kanyang pagharap sa hearing ng Blue Ribbon Committee sa issue ng katiwalian sa Bureau of Customs.
Ito, ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon, ay dahil sa naging asal at pagiging arogante sa pagsagot ni Faeldon.
Bukod pa ito sa akusasyon ng dating Customs Chief kina Senate Majority Floorleader Tito Sotto at Minority Floorleader Franklin Drilon na kanyang inakusahan na humiling sa kanya bagay na ayon kay Gordon ay walang anumang iregularidad.
Sa oras anya na pirmahan ni Senate President Koko Pimentel ang commitment order ay maaari ng ilipat sa Pasay City Jail si Faeldon.