Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si dating Agriculture Secretary Domingo Panganiban bilang Undersecretary ng Department of Agriculture.
Sa isang Facebook post, inihayag ni Pangulong Marcos, na siyang kalihim ng DA, na naganap ang oath-taking noong Biyernes, Agosto a – 12.
Nagsilbi si Panganiban bilang Agriculture Secretary sa termino nina Dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa ilalim ng termino ni Panganiban, ipinagpatuloy nito ang implementasyon ng Agriculture and Fisheries Modernization Act bilang comprehensive framework at platform para sa rural development ng gobyerno sa kanyang panunungkulan noong Enero 2001.
Sa kanya namang ikalawang termino, idinivelope ang kabuuang 203, 000 hectares ng idle lands at lumikha ng 313, 000 jobs sa ilalim ng goal 1 at 10 outstanding markets na tinukoy sa Goal 2.