Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si Dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at 3 opisyal ng BPI o Bureau of Plant Industry.
Maliban kay Alcala, pinasasampahan rin ng kaso ang mga kilalang negosyante ng bawang sa bansa sa pangunguna ng isang Lilia “Lea” Cruz.
Lumabas sa imbestigasyon ng ombudsman na sa mahigit 8,000 IP o Import Permits na inaprubahan ni Alcala mula 2010 hanggang 2014.
Mahigit sa 5,000 dito ang napunta kay Cruz at sa mga grupong kabilang sa Vieva o Vendors Association of the Philippines Inc. na pinamumunuan ni Cruz.
Dahil dito, malinaw umanong namonopolya ni Cruz ang bawang kaya’t nagawa nitong maidikta ang presyo ng bawang sa pamilihan.