Pinagmumulta ng Ombudsman si dating Daanbantayan, Cebu Mayor Augusto Corro ng katumbas ng dalawang buwang sahod.
Ito ay matapos na hindi ibigay ng alkalde ang natanggap na pondo para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng biktima ng bagyong Yolanda.
Kinilala ang naghain ng reklamo na si Renato Benatiro na hindi umano nakatanggap ng kanilang parte mula sa natanggap na pondo ng munisipalidad.
Mayroon dapat aasahan na 30,000 Piso ang mga kwalipikadong residente na nawalan ng tirahan dahil sa bagyo samantalang 10,000 naman para sa mga hindi gaanong napinsala, ito ay sa ilalim ng programang Emergency Shelter Assistance ng DSWD.