Itinuturing nang ‘pugante’ si dating Budget and Management Undersecretary Mario Relampagos matapos itong hindi na bumalik sa bansa mula sa biyahe nito patungong Amerika.
Magugunitang pinayagan ng Korte si Relampagos na magtungo sa Estados Unidos mula Disyembre 2 hanggang Enero 1 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik sa bansa.
Sa ngayon ay ipinaaaresto na ng Sandiganbayan 7th Division si Relampagos.
Bukod dito, ipinag-utos na din ng Anti-Graft Court sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin na ang pasaporte ni Relampagos at umpishan na ang proseso ng extradition.
Nahaharap si Relampagos sa patong-patong na kasong plunder, graft at malversation dahil sa pork barrel case.