Itinanggi ni dating Dangerous Drugs Board o DDB Chairman Dionisio Santiago ang mga alegasyong nagkaroon siya ng mga junket trips kasama ang kanyang pamilya at tumanggap ng regalo mula sa drug lord kaya siya sinibak sa puwesto.
Paliwanag ni Santiago, may travel authority o pahintulot mula sa Malacañang ang kanyang biyahe sa Amerika at Austria.
Dagdag ni Santiago, hindi rin mula sa pondo ng DDB ang pinanggastos sa biyahe ng kanyang pamilya sa Europe kung saan nagkita na lamang aniya sila sa Budapest.
Pinabulaanan din ni Santiago ang ulat na tumanggap siya ng bahay sa mga Parojinog.
Giit ng dating DDB Chairman, ibang “Santiago” ang posibleng tinutukoy na may kaugnayan sa pamilya Parojinog at sinasabing boyfriend ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess.
Duda rin si Santiago iprinesentang sulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sinasabing sa mga miyembro ng DDB Employees Union na nagsasaad ng umano’y katiwalian niya sa ahensiya.
—-