Dapat na makasuhan si dating defense secretary Voltaire Gazmin dahil sa pag rekomenda at pag apruba sa amnesty ni Senador Antonio Trillanes.
Ito ang panininiwala ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod ng pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty ni Trillanes.
Ayon kay Panelo, tanging ang pangulo lamang ang maaring mag grant ng amnesty at ang DND o Department of National Defense naman ang para sa evaluation.
Aniya, malinaw na kaso ng unsurpation of authority ang ginawa ni Gazmin nang sabihin nito na siya ang nag apruba at nagbigay ng amnesty kay Trillanes batay sa kanyang naging sulat kay dating pangulong Noynoy Aquino.
Ipinauubaya na ni Panelo sa Office of the Solicitor General ang pagsasampa ng kaso laban sa dating kalihim.