Posibleng italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang susunod na kalihim ng Department of Agriculture (DA) si dating Defense Secretary Gibo Teodoro.
Ito ang naging pahayag ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) kung saan, naging matunog ang pangalan ni Teodoro dahil kasama umano ito sa Uniteam senatorial ticket ni PBBM at VP Sara Duterte Carpio noong nakaraang eleksiyon.
Naniniwala ang grupo na sa darating na Mayo o pagkatapos ng election ban, bababa sa puwesto bilang kalihim ng DA si Pangulong Marcos.
Matatandaang una nang inalok ng posisyon ni PBBM si Teodoro na maging kalihim ulit ng DND pero tinanggihan niya ito dahil mas gusto umano nitong pamunuan ang agricultural sectors.
Samantala, buo naman ang tiwala ng United Broiler Raisers Association (UBRA), na magagampanan at matututukan ng pangulo ang kakulangan at pangangailangan sa sektor ng agrikultura habang wala pa itong napipiling bagong kalihim ng ahensya.