Tiwala si Secretary Gina Lopez na magpapatuloy ang mga sinimulan nyang programa at mga pagbabago sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ito ayon kay Lopez ay dahil nakapagtanim sya ng magagaling at magpakakatiwalaang mga tao sa loob ng ahensya.
PAKINGGAN: Pahayag ni dating DENR Secretary Gina Lopez
Maliban sa Pangulong Rodrigo Duterte, walang maisip na iba si Lopez kung sino ang puwedeng pumalit sa kanya matapos na ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang nominasyon bilang kalihim ng DENR.
PAKINGGAN: Bahagi ngpahayag ni dating DENR Secretary Gina Lopez sa panayam ng DWIZ
Nangyaring botohan sa nominasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng DENR kakaiba – Sen. Aquino
Kakaiba para kay Senador Bam Aquino ang nangyaring botohan sa nominasyon ni Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Aquino, silang mga nasa oposisyon pa ang sumuporta kay Lopez samantalang mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte ang humarang na makumpirma ang appointee ng Pangulo.
Sinabi ni Aquino na isang pagpapatunay ito na boboto ang oposisyon sa anuman o sinuman na makakabuti sa bayan.
Una nang sinabi ni Lopez na mas umiral ang interest sa negosyo at pulitika sa botohan sa Commission on Appointments o CA kaya’t naibasura ang kanyang nominasyon bilang DENR Secretary.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno