Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Benny Antiporda bilang senior deputy administrator ng National Irrigation Administration (NIA).
Pagkumpirma ni Acting Spokesperson at cabinet Secretary Karlo Nograles, papalitan ni Antiporda ang nabakanteng pwesto ni Abraham Bagasin.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Malakanyang sa bagong assignment ng opisyal para sa pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas. —sa panulat ni Abby Malanday