Nanghihinayang si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa mga pinaghirapan ng nakalipas na administrasyong Aquino.
Kaugnay ito sa pagtataguyod ng Independent Foreign Policy ng Pilipinas na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Amerika at Europa.
Gayundin ang planong pagbubukas nito ng pintuan sa negosyo at kalakalan sa mga bansang China at Russia.
Ayon kay Del Rosario, dapat muling pag-aralan ng pamahalaan ang isinusulong plano nitong pagtalikod sa Amerika at Europa na matagal nang sumusuporta sa Pilipinas.
Magugunitang panahon ni Del Rosario nang i-akyat ng Pilipinas ang protesta laban sa China sa usapin ng maritime dispute sa West Philippine Sea na ikinapanalo nito sa International Arbitration.
By Jaymark Dagala