Aminado si Senate Minority Leader at Liberal Party Stalwart Franklin Drilon na mahihirapan silang makabuo ng 12 kandidato para sa pagka-Senador sa 2019 mid-term elections.
Ito ang dahilan ayon kay Drilon kaya’t kanila nang nirerepaso ang mga posibleng pangalan na isasama nila sa kanilang line up.
Kasunod nito, ibinunyag ni Drilon na kanila na ring kinukumbinsi na tumakbong muli sa pagkasenador si dating DILG Secretary Mar Roxas.
Gayunman, sinabi ni Drilon na nasa kamay pa rin ni Roxas ang pagpapasya dahil tila nilalasap pa niya ngayon ang malayang buhay bilang pribadong mamamayan.
Magugunitang tinalo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Roxas via landslide victory sa nakalipas na 2016 Presidential elections.