Pumanaw na ang dating Defense Secretary na si Fortunato Abat sa edad na 92.
Ito ang kinumpirma ng pamilya ng dating kalihim kung saan naulila nito ang kanyang asawa na si Corazon, mga anak at mga apo.
Nakaburol ang labi ni Abat sa Loyola Commonwealth at nakatakdang ihimlay sa Libingan Ng Mga Bayani.
Bukod sa pagiging kalihim ng Department of National Defense (DND) noong administrasyong Ramos, nagsilbi rin si Abat bilang Commanding General ng Philippine Army sa loob ng limang taon na siyang pinakamahabang panahon sa kasaysayan ng army.
Naging undersecretary din si Abat ng DND, Ambassador sa China at Deputy Director General ng National Security Council sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Itinalaga naman itong pinuno ng John Hay – Poro Point Development Corporation sa Arroyo Administration at Chairman ng Military Service Board sa ilalim naman ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Photo Credit: Google Images