Nagbabala si Dating Health Secretary, Dr. Esperanza Cabral sa posibilidad ng muling pag-akyat ng COVID-19 cases kung magiging kampante ang mga Pilipino.
Tugon ito ni Cabral matapos tamaan ng COVID-19 ang isang batang lalaki matapos bumisita sa mall sa gitna ng pagluwag ng community restrictions sa Metro Manila at ilang lugar.
Ayon kay Cabral,hindi dapat maging kampante ang publiko lalo’t hindi pa naman tuluyang nawawala ang COVID-19 virus.
Kailangan anyang hintayin munang humupa ang pagkasabik ng mga tao bago bumisita sa mga pasyalan.
Hinimok din ng dating kalihim ang mga magulang na isaalang-alang ang maaaring mangyari kung dadalhin ang kanilang anak sa matataong lugar.
Nobyembre 5 nang simulang isailalim ang NCR sa mas maluwag na Alert level 2 na magtatapos naman sa November 21. —sa panulat ni Drew Nacino