Pumanaw na si dating Department of Health assistant secretary Dr. Lyndon Lee Suy sa edad na 55.
Batay sa kumpirmasyon ni Health Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, pumanaw si Lee Suy ngayong hapon.
Bagama’t wala nang ibinigay pang ibang detalye si Domingo, sinabi nito na cardiac arrest ang dahilan ng pagkasawi ni Lee-Suy.
Si Lee-Suy ay nagsilbi ring tagapagsalitang DOH at assistant secretary for the health policy and systems development.