Itinanggi ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na pinilit niya si dating Bureau of Corrections Officer-In-Charge Rafael Ragos na tumestigo laban kay Senador Leila De Lima.
Ayon kay Aguirre, wala rin siyang alam sa naganap na meeting sa isang hotel sa Parañaque kung saan kanya umanong pinagbantaan si Ragos.
Mismo anyang ang dating BUCOR Official ang lumapit sa kanya nang dalawang beses upang magbigay ng testimonya hinggil sa pagdedeliver ng drug money sa senador.
Iginiit ng dating kalihim na imposibleng pilitin niya si ragos gayong isa rin naman itong abogado na naging National Bureau of Investigation Director at OIC Director na itinalaga ni De Lima sa BUCOR.
Hinamon naman ni Aguirre si Ragos na maglabas ng ebidensya upang patunayan nito ang akusasyong pinilit at pinagbantaan siya.
Nito lamang linggo ay binawi ni Ragos ang kanyang testimonya laban kay De Lima.