Nakapuslit na palabas ng bansa si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III.
Ibinunyag ito ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre bago pa man aniya nagsimula ang pagdinig ng Kamara hinggil sa umanoy illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Aguirre, hindi na naisilbi ang subpoena kay Baraan para dumalo sa house hearing dahil nasa ibang bansa na ito noon pang August 25.
Isang kapatid lamang aniya ni Baraan ang nasa nasabing address nang isilbi ang subpoena para sa dating DOJ official.
Nagsimula ang house hearing noong September 20.
By Judith Larino