Timbog ang isang doktor na dating empleyado ng Department of Health (DOH) at anim (6) na iba pa sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Mandaluyong City.
Nagtuturok umano ang doktor na kinilalang si Dr. Vanjoe De Guzman ng nilusaw na shabu sa mga parokyano nito.
Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 300,000 pisong halaga ng shabu at liquid ecstasy pati na mga injection na ginagamit umanong pangturok sa nilusaw na shabu.
Aminado naman ang doktor na gumagamit ito ng droga ngunit mariing itinatanggi na nagbebenta siya nito.
Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang mga malalaswang larawan at video sa cellphone ng isa sa mga naarestong suspek.
Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa pa ng “sex party” ang mga suspek kasunod ng kanilang mga drug session sa isang condominium unit sa Mandaluyong.
Samantala, kinumpirma naman ng DOH na empleyado nila ang naturang doktor ngunit Nobyembre noong nakaraang taon nang nag-AWOL o absent without leave na ito sa trabaho.
—-