Kinumpirma mismo ni pangulong rodrigo duterte ang kaniyang pagkakatalaga kay dating transportation undersecretary guiling mamondiong
Ito’y para pamunuan ang technical education and skills development o tesda na dating hinawakan ng ngayo’y senador nang si joel villanueva
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa mindanao hariraya sa davao city na bahagi ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr
Papalitan ni mamondiong si irene isaac na tumayo bilang officer in charge ng tesda kasunod ng pagbibitiw ni villanueva para tumakbo sa senado
By: Jaymark Dagala