Posibleng tugisin ng NBI o National Bureau of Investigation si Ronnie Dayan, ang dating driver bodyguard ni Senador Leila de Lima.
Ito ang inaasahan ng mga kongresista matapos nilang ipasakamay ng Department of Justice (DOJ) ang contempt order ng House Committee on Justice laban kay Dayan.
Ayon kay House Deputy Speaker Fredenil Castro, mahalaga pa ring maiharap sa hearing si Dayan dahil lumalabas na malaki ang naging papel niya sa pangongolekta ng drug money sa New Bilibid Prisons.
Bahagi ng pahayag ni House Deputy Speaker Fredenil Castro
By Len Aguirre