Pinaaresto ng Kamara ang dating driver bodyguard ni dating Justice Secretary at ngayo’y Senadora Leila de Lima na si Ronnie Dayan.
Nagmosyon si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na i-cite in contempt si Dayan dahil sa hindi nito pagsipot sa pagdinig ng house committee on justice kaugnay sa paglaganap ng droga sa new Bilibid Prisons.
Labing-dalawa sa mga miyembro ng komite ang pumabor sa mosyon ni Fariñas.
Paliwanag ni Fariñas, walang ibinigay na dahilan si Dayan sa kanyang pagliban sa pagdinig sa kabila ng ipinadalang subpoena at kautusan ni Speaker Pantaleon Alvarez.
By: Avee Devierte