Nakalaya na si dating Egyptian President Hosni Mubarak matapos ang anim na taong pagkakakulong.
Ito ay makaraang ibasura ng korte ang kaso ni Mubarak hinggil sa umano’y pagpatay sa may walongdaang (800) protesters.
Mula sa Maadi Military Hospital, agad diniretso ang walumpu’t walong (88) taong gulang na dating Pangulo sa bahay nito sa Cairo.
Matatandaang tatlong dekada ang naging panunungkulan ni Mubarak bilang Pangulo ng Egypt hanggang sa ito ay napatalsik noong 2011 dahil sa anomalya.
By Ralph Obina