Itinalaga bilang Bagong Acting President at CEO ng Clark Development Corporation (CDC) si Dating Energy Regulatory Commission Chairperson Agnes Devanadera
Ito’y batay sa liham mula sa Malakanyang na nilagdaan ni Executive Secretary Vic Rodriguez na may petsang September 1.
Maliban dito ay itinalaga rin si Devanadera bilang miyembro ng Clark Development Corporation Board.
Matatandaang, itinalaga ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte si Devanadera sa ERC noong 2017.