Suportado ni dating Finance Secretary Margarito “Gary” Teves ang mga panawagang ipatigil na ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa kanyang pagharap sa Senate Ways and Means Committee hearing, inihayag ni Teves na ang mga pogo-related case ng kidnapping, human trafficking at unfair labor practices ay hindi lamang banta sa social stability kundi maging sa pagbangon ng ekonomiya.
Gayunman, dapat isipin din anya ng pamahalaan na maraming mawawalan ng trabaho sa sandaling tuluyan nang paalisin ang mga POGO.
Ito ang dahilan kaya’t hinimok ng dating kalihim ang gobyerno na magpatupad ng phaseout mechanism at tiyaking magkakaroon ng alternatibong trabaho ang mga maaapektuhang empleyado ng POGO.