Inirerekomenda ng Department of Tourism (DOT) na maibalik na ang mga dating flights na natigil dahil sa COVID-19 pandemic bilang bahagi ng pagpapaigting sa industriya ng turismo.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, iminungkahi nito sa flag carrier na Philippine Airlines (PAL) na ibalik na ang dating flights at magbukas ng mga bagong destinasyon.
Ibinahagi rin ni Frasco sa PAL ang mahahalagang natutunan sa 11th Asia Pacific Economic Cooperation Tourism Ministerial Meeting, kabilang dito ang tumataas na demand mula sa mga bansang tulad ng thailand upang bisitahin ang tourism spot sa Pilipinas gaya ng Cebu.
Binigyang-diin naman ng kalihim na maituturing na mahalagang sangkap ng tourist lifecycle sa bansa ang mga Airline company.