Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kapwa Davawenyo na si dating Gabriela Partylist Rep. Luzviminda Ilagan bilang bagong Social Welfare Undersecretary.
Ini-release ang appointment papers ni Ilagan tatlong linggo matapos ibasura ng Commission on Appointments ang appointment naman ni Judy Taguiwalo bilang Social Welfare Secretary.
Si Ilagan ay miyembro ng Gabriela, na isa sa mga makakaliwang grupong nakikipaglaban para sa karapatan ng kababaihan.
Indikasyon din ito na bukas pa rin si Pangulong Duterte na panatilihin sa kanyang administrasyon ang mga makakaliwa kahit pa ibinasura ang peace talks sa Communist Party of the Philippines.
SMW: RPE