Naglagak na ng piyansa si dating Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito sa kasong graft na isinampa laban dito.
Ito’y may kaugnayan sa pagkuha umano ng pamahalaang panlalawigan ng hindi kwalipikadong insurance company na magbibigay sana ng insurance sa mga boatmen at turista sa Pagsanjan Falls.
Halagang P30,000 ang ibinayad na piyansa ni Ejercito na idinaan ng dating gobernador sa isang korte sa Laguna.
Maliban kay Ejercito, nahaharap din sa katulad na kaso sina Pagsanjan Vice Mayor Terryl Talabong, dating Vice Mayor Crisostomo Vilar, at mga dating konsehal na sina Arlyn Torres, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti, Gener Dimaranan, at Ronald Sablan.
Itinakda naman sa Abril 18 ang pagbasa ng sakdal kay Ejercito.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)