Sumakabilang-buhay na sa edad na pitumpu’t dalawa si dating Kalinga Governor Macario Duguiang, kahapon.
Kinumpirma ng kaniyang mga kamag-anak ni Duguiang ang matagal na nitong iniindang karamdaman ang dahilan umano ng kamatayan ng dating opisyal.
Si Duguiang ay nagsilbing gobernador ng lalawigan simula July 1, 2011 hanggang June 30, 2014 at alkalde ng bayan ng lubuagan mula 1978 hanggang 1986.
Naging regional director din siya ng Department of Transportation and Communications sa Cordillera Administrative Region at Philippine Red Cross – Kalinga Chapter Chairman.
Itinuturing na peace negotiator ang dating gobernador dahil napagkakasundo nito ang iba’t-ibang tribo at naiwasan ang pagkakaroon ng tribal war. — Sa panulat ni Drew Nacino