Ipinakukulong ng Sandiganbayan First Division si dating Camarines Norte Governor Roy Padilla sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Sa inilabas na commitment order ng korte, ipinakukulong na si Padilla simula ngayong araw upang pagsilbihan ang sintensya nito sa kasong malversation of public property nang bigo nitong maisoli ang baril na pag-aari ng pamahalaang lokal ng Camarines Norte.
Nakatatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla, sintensyado ang dating gobernador ng mula apat na buwan at isang araw hanggang dalawang taon at apat na buwan na pagkakakulong.
Ipinalabas ng Sandiganbayan ang resolusyon at inatasan ang PNP Criminal Investigation and Detection Group na syang maglipat kay Padilla mula Sandiganbayan patungong Bilibid.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)