Inabswelto ng Sandiganbayan Second Division sa kasong graft si dating GSIS President at General Manager Winston Garcia at mga kapwa akusado nito sa isyu ng e-card service.
Paliwanag ng Sandiganbayan, wala silang nakitang iregularidad at katiwalian sa e-card bidding at transakyon ni Garcia sa Union Bank.
Sinabi ng Sandiganbayan na pinagbigyan naman ang lahat ng bangko sa makasali sa naturang bidding at nagkataon lamang na napunta ito sa Union Bank.
Matatandaang nag-ugat ang naturang kasi sa ini-award na multi-milyong pisong kontrata ng GSIS sa Union Bank para sa electronic membership card o e-card project.
By Ralph Obina | Jill Resontoc (Patrol 7)