Nananatiling epektibo ang dati nang umiiral na guidelines hinggil sa pagsususpendi ng klase bago pa man ang pandemiya.
Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, patuloy pa rin ang implementasyon ng Executive Order 66 na ipinalabas noong 2012.
Nakapaloob dito ang patakaran sa kanselasyon o suspensyon ng klase at trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil sa bagyo at iba pang kalamidad.
Sinabi ni Umali, patuloy pa ring sinusunod ang rules sa awtomatikong pagkakansela ng pasok batay sa idineklara storm signal ng PAGASA.
Gayunman, sinabi ni Umali na nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa Malakanyang kaugnay sa posibleng pagrebisa sa EO 66 bunsod ng bagong sistema sa blended learning sa ilalim ng new normal.