Nakahanda si dating Health Secretary Enrique Ona humarap sa pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa mula sa Amerika , iginiit ni Ona na ang dapat sisihin sa isyu ay ang sumunod sa kanyang kalihim na si dating Health Secretary Janet Garin dahil ito ang nagrekomenda noon kay dating Pangulong Noynoy Aquino na bilhin sa Sanofi Pasteur ang Dengvaxia.
Dagdag pa ni Ona , ipinagpatuloy pa rin ng administrasyong Aquino ang pagbili sa nasabing bakuna kahit hindi pa lubusang napag – aaralan ang long term effect nito.
Magugunitang nagbitiw sa pwesto si Ona noong 2014 sa kasagsagan ng pagkokonsidera ng nakaraang administrasyon nang pagbili ng Dengvaxia.