Mariing iginiit ni dating Health Secretary Janette Garin na natugunan ng dengue vaccination program ng gobyerno, sa ilalim ng kanyang katungkulan, ang standards ng World Health Organization (WHO)
Ito ay kasunod ng pagpapatigil ng Department of Health o DOH ng naturang vaccination program dahil sa health concern.
Matatandaang P3-B halaga ng bakuna na Dengvaxia ang binili ng pamahalaan sa ilalim ng Aquino administration para sa may isang milyong bata na nasa public school sa mga lugar na mataas ang insidente ng dengue.
Sinimulan itong ibigay sa mga bata noong Abril 2016 at susundan ng dalawa pang bakuna pagkaraan ng tig – anim na buwan.
Halos kalahating milyong bata na siyam na taong gulang ang nabakunahan noong Abril 2016 sa ilalim pa ng administrasyon noon ni Secretary Janet Garin.
Sa kasalukuyan ay pinakukuha na ni Health Secretary Francisco Duque ang datos kung ilang mga bata ang naka kumpleto sa ikatlong yugto ng bakuna.
Una dito, inamin ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia na posibleng tamaan ng mas matinding sakit ang mga batang nabigyan ng Dengvaxia kung hindi pa sila nagkakasakit ng dengue.