Isinusulong ngayon ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na taasan ang ipinapataw na tax sa mga sigarilyo.
Paliwanag ni Cabral, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na mayroong pinakamababang presyo ng sigarilyo na ibinebenta kada pakete.
Sampung (10) beses aniya ang baba nito kung saan nagkakahalaga lamang ito ng P50.00 kumpara sa P300.00 presyo ng Thailand at P500.00 sa Australia.
Dahil dito, nangangamba si Cabral na posibleng umabot sa 200,000 Pilipino ang matutong manigarilyo kada taon.