Ipinaresto ng China ang dating hepe ng secret police na siyang namamahala noon sa seguridad ng Hong Kong at Macau.
Si Sun Lijun, dating Chinese vice-minister ng public security, ay isinailalim sa disciplinary investigation noon pang Abril pero tuluyan na itong ipinaaresto ng state prosecutor ngayong araw dahil sa kasong katiwalian.
Sinasabing natuklasan ng National Supervisory Commission ang pagtanggap ng suhol ni Sun, gayundin ang umano’y pagtatago nito ng ilang confidential materials.