Humingi na ng tawad si dating House Speaker Prospero ‘Boy’ Nograles kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang halos dalawang dekadang away-pulitika ng dalawa.
Ginawa ito ni Nograles sa harap ng publiko at mga tagasuporta sa birthday party ng kanyang anak na si Davao City Representative Karlo Alexei Nograles.
Ayon kay Nograles, bagama’t matagal nang magkaaway ay sinuportahan niya ang pagtakabo noon ni Duterte bilang Pangulo dahil posible aniyang ito na ang maging una at huling Pangulo mula sa Davao.
Dagdag pa ng dating House Speaker na ang kalaban ng Pangulo ay kalaban na rin nila at patuloy na sususportahan ang mga ipinatutupad nitong pagbabago sa bansa.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte na hindi na kailangang humingi ng tawad ni Nograles dahil kahit naging magkaaway ay sinuportahan pa rin naman niya ito para sa interes ng Davao.
By Krista de Dios