Sinampahan ng Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Ilocos Sur Congressman Salacnib Baterina kaugnay ng maanomalyang paggamit ng PDAF noong 2007.
Nahaharap si Baterina sa kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, malversation of public funds, at direct bribery.
Batay sa kasong ginawa ng Ombudsman, mula enero hanggang Pebrero 2007, naglabas ang Department of Budget and Management ng 35 Milyong Piso para sa PDAF ni Baterina na pampondo umano sa livelihood.
Ngunit napag-alaman ng Ombudsman na panay ghost projects lang ang pinasok ni Baterina.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc