Hinatulang guilty ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 188 sa kasong libelo si dating Iloilo Provincial Administrator Manuel Mejorada.
Si Mejorada ay nahaharap sa kasong four counts ng libel makaraang mag-post ng apat na online articles na naglalayong i-expose ang umano’y iregularidad sa konstruksyon ng Iloilo Convention Center sa pangunguna ni Senador Franklin Drilon.
Ikinatuwa naman ni Drilon ang paborableng desisyon ng korte.
Sinabi ni Drilon na malaki kanyang pasasalamat at napatunayang walang katotohanan ang mga inaakusa sa kanya ni Mejorada lalo na ang pagkamkam umano niya ng pera mula sa nabanggit na proyekto.
By Meann Tanbio