Nagpositibo sa COVID-19 ang dating Prime Minister ng Italy na si Silvio Berlusconi.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa San Raffaele Hospital ang 83 na dating Italian leader na nakikipaglaban din sa lung infection.
Sinasabing nagpositibo si Berlusconi sa COVID-19 nang magbalik ito sa kaniyang rest house sa Sardinia’s jet-set sa Emerald Coast.
Gayunman ayon sa doktor ni Berlusconi, kahit may iniindang karamdaman, hindi man lang ito naisailalim sa intubator o nangailangan ng ventilator.
Samantala, itinuturing nang pinakamatandang Santo Papa ng Simbahang Katolika si Pope Emeritus Benedict XVI sa edad na 93.
Ang dating Santo Papa ang kauna-unahang nagbitiw sa puwesto sa nakalipas na 700 taon dahil sa humihinang kalusugan.
Walong taon nanungkulan sa Simbahang Katolika si Benedict XVI o Joseph Ratzinger bago ito pinalitan ni Jorge Mario Bergolio na ngayo’y Pope Francis.