Hinatulan ng dalawang (2) taong pagkabilanggo si dating Jakarta Governor Basuki Tjahaja Purnama na mas kilala bilang “Ahok“.
Ito ay matapos siyang mahatulang guilty sa kasong “blasphemy“, sa tinaguriang test case sa religious tolerance ng Indonesia.
Sinimulan ang pagdinig sa kaso ng Chinese Christian Politician noong Disyembre, matapos niyang siraan umano ang Islam habang nangangampanya.
Si Ahok ay pinalitan ni dating Education at Culture Minister na si Anies Baswedan, bilang gobernador ng Jakarta.
By Katrina Valle