Binaril ang dating Japanese prime minister na Shinzo abe habang nangangampanya sa lungsod ng nara, Japan.
Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital.
Batay sa ilang ulat, narinig nila ang ilang putok ng baril na mula sa likuran nito.
Dagdag pa nito na hinihinalang nasa 40 anyos ang naturang suspek at nakumpiska rin ang baril na ginamit sa naturang insidente.
Sa ngayon, hawak na ng awtoridad ang suspek.
Samantala, sinabi naman ni Japan’s chief cabinet secretary Hirokazu Matsuno, na hindi pa tukoy ang kasalukuyang kondisyon ng dating Japanese prime minister.