Kakasuhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si dating Justice Assistant Secretary Moslemen Macarambon, Sr.
Ito ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica ay kahit pa nagbitiw si Macarambon sa puwesto matapos masangkot sa smuggling ng alahas sa NAIA.
Sinabi ni Belgica na patuloy ang imbestigasyon nila para panagutin si Macarambon sa kasong administratibo na kanila aniyang idudulog sa Ombudsman.
Lumalabas sa imbestigasyon na tinulungan ni Macarambon ang kaniyang balae na mapababa ang babayarang buwis matapos mahuli sa naia bitbit ang mga alahas na nagkakahalaga ng mahigit 15 Million Pesos.
Ipinabatid ni Belgica na may limang taong na ang nakakalipas nang huling mahuli ang mag asawang Abdullah na balae ni Macarambon sa pagpupuslit ng mahigit Anim na Milyong Pisong halaga ng mga alahas.