Pumanaw na si dating Justice Secretary at Congressman Simeon Ampatuan Datumanong dahil sa atake sa puso sa edad na 82.
Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Leah Tanodra-Armamento, binawian ng buhay si Datumanong sa Philippine Heart Center alas-9:40 kagabi.
Dadalhin ang labi ni Datumanong sa kanyang hometown sa Magonoy, Maguindanao.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang buong Bangsamoro, kabilang ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) kasunod ng pagpanaw ni Datumanong.
Enero 2003 nang itinalaga si Datumanong bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).
Nagsilbi rin itong kinatawan ng ikalawang distrito ng Maguindanao sa loob ng limang (5) termino.
By Meann Tanbio