Abswelto sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ng Department of Justice si dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Matatandaang kabilang si Baraan sa mga respondent sa isinampang reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption at ng NBI.
Samantala, sinampahan kahapon ng DOJ sa Muntinlupa Regional Trial Court sina Senadora Leila De Lima, dating Bureau of Corrections Officer in Charge Rafael Ragos at Director Franklin Bucayu, dating driver ni Del Lima na si Ronnie Dayan, sinasabing pamangkin ni De Lima na sina Jose Adrian Tiamson Dera, Wilfredo Elli, high profile inmate na si Jaybee Sebastian, at Presidential Security Guard Joenel Sanchez.
Nahaharap ang mga nabanggit ng paglabag sa Section 5 in relation of sections 3J, 26Bb, at 28 o criminal liability of government officials and employees.
By: Avee Devierte / Bert Mozo