Patay ang isang dating kapitan ng barangay matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Davao City.
Kinilala ang biktima na si Arnold Maalat, dating kapitan ng Barangay Communal, Buhangin na kalalaya pa lamang sa bilangguan dahil sa iligal na droga.
Batay sa ulat, nasa labas lang ng isang sabungan ang biktimang si Maalat nang bigla itong pagbabarilin na siyang dahilan ng agad nitong kamatayan.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa motibo ng pamamaslang at kung may koneksyon sa dating kaso ng biktima ang insidente.