Nasawi ang isang dating Barangay Captain sa Santo Tomas, Batangas matapos tambangan sa tapat mismo ng kanyang bahay.
Batay sa kuha ng CCTV makikita ang biktima na nakatayo sa harap na kanyang bahay kasama ang 2 pang tao nang biglang huminto malapit sa grupo ang isang itim na SUV , at lumabas ang isang lalaki at biglang binaril ang biktima.
Matapos paputukan ng suspek ang biktima, muli niya itong binalikan upang muling barilin at saka bumalik sa sinasakyang SUV.
Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap na mga otoridad ang naturang suspek at ang tunay na motibo nito sa ginawang pamamaslang. — sa panulat ni Agustina Nolasco