Pinuri ng dating kinatawan ng Pilipinas sa United Nations na si Lauro Baja ang naging aksyon ng pamahalaan, lalo na ang nakaraang Administrasyon kaugnay ng pagkapanalo ng bansa sa kasong isinampa nito laban sa China hinggil sa Territorial Dispute.
Sinabi ni Former Philippine Representative to United Nations Lauro Baja na nahiwalay ng delegasyon ng bansa ang pagkwestiyon sa soberanya at Maritime Entitlements sa teritoryo.
Kaya naman napagdesisyunan, aniya, ng Permanent Court of Arbitration na ibigay ang merito sa Pilipinas.
Sinabi rin ni baja na diplomasya pa rin ang magiging susi sa tuluyang pagresolba sa isyu.
Mainam din aniyang patuloy lamang na manatili ang relasyon ng pilipinas sa mga kaalyadong bansa nito gaya ng Estados Unidos, Japan, Korea, Australia, at iba pa.
Ang tanong, aniya, ngayon ay kung ano ang susunod na hakbang ng Pilipinas matapos ilabas ang desisyon.
By: Avee Devierte