Sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act si dating Catanduanes Representative Cesar Vergara Sarmiento.
Ito’y matapos umanong tumanggap ng P20-million mula sa mga drug lab operation sa lugar.
Ayon kay Police Major Bon Billy Timuat, hepe ng Virac Police, lumantad ang testigong si Ernesto Tabor Jr. para patunayan ang pagkakasangkot ng dating kongresista sa shabu laboratory sa barangay Palta Small Virac, Catanduanes.
Nabatid rin na si Tabor ay tauhan ni dating NBI Director for the Anti-Narcotics Division Atty. Eric Isidro na umano’y mastermind ng pagpapatayo ng shabu lab.