Pumanaw na sa edad na 86 si Dating Camarines Sur Representative Luis Villafuerte.
Ayon sa anak nito na si Camarines Sur Representative Lray Villafuerte, pumanaw ang kanyang ama umaga ng miyerkoles.
Nagsilbi bilang kinatawan ng Camarines Sur si Villafuerte mula 2004 hanggang 2013.
Miyembro rin ito ng Batasang Pambansa mula 1978 hanggang 1986 at nagsilbi ring Minister of Trade mula 1979 hanggang 1981.—sa panulat ni Rex Espiritu